Filipino Recipe: Binagoongang Baboy
1 kilong laman ng baboy
1 ulo ng bawang
½ kilong kamatis, hinog
1 pirasong sibuyas
2 kutsara toyo
2 kutsara pamintang durog
2 tasang bagoong alamang
1 piraso dahon laurel
1 balot ng sabot (mabibili ito sa grocery o sa mga Chinese grocery)
1 kutsara asukal
1 ulo ng bawang
½ kilong kamatis, hinog
1 pirasong sibuyas
2 kutsara toyo
2 kutsara pamintang durog
2 tasang bagoong alamang
1 piraso dahon laurel
1 balot ng sabot (mabibili ito sa grocery o sa mga Chinese grocery)
1 kutsara asukal
Sa kawali, igisa ang bawang at kamatis. Duruging maigi ang kamatis hanggang kumatas. Idagdag ang sibuyas. lagay ang baboy.
Pakatasin ang baboy, ilagay ang bagoong kapag namula na ang baboy. Ilagay ang toyo.paminta, laurel, sabot at asukal . Takpan at hayaang kumulo sa mahinang apoy. Haluin ng bahagya at hayaang kumulo hanggang lumambot ang karne. Tikman. Lagyan ng kaunting suka kung maalat. Hayaang kumulo. Ihain na may kasamang sariwang kamatis o nilagang okra sa tabi.
Filipino Recipe: Adobong Manok Na May Gata Pakatasin ang baboy, ilagay ang bagoong kapag namula na ang baboy. Ilagay ang toyo.paminta, laurel, sabot at asukal . Takpan at hayaang kumulo sa mahinang apoy. Haluin ng bahagya at hayaang kumulo hanggang lumambot ang karne. Tikman. Lagyan ng kaunting suka kung maalat. Hayaang kumulo. Ihain na may kasamang sariwang kamatis o nilagang okra sa tabi.
1 manok
1 kilong karne
5 ulong bawang
1 tasang suka
kaunting paminta
kapirasong dilaw
gata ng isang niyog
Gayatin ang manok at karne ng mga dalawang dali ang laki. Ilalagay ang bawang at ihahalong mabuti sa manok at karne; ilagay ang suka, dilaw, at paminta. Isasalang ang manok at karne hanggang sa maluto. Kukudkurin ang niyog at gagayatin; ang isang tasang gata ay husto na. isasahog ang isang tasang gata at lutuin hanggang maglangis- langis ang gata. 1 kilong karne
5 ulong bawang
1 tasang suka
kaunting paminta
kapirasong dilaw
gata ng isang niyog
Filipino Recipe: Afritada
1 kilong manok, hiniwa sa katamtamang laki
½ kilong kasim ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
1 kilong kamatis (hinog)
4 pirasong patatas, hiniwa ng pakuwadrado
2 pirasong sibuyas
1 ulo ng bawang
2 pirasong siling pula, hiniwa ng pahaba
2 pirasong siling berde, hiniwa ng pahaba
2 dahon ng laurel
3 kutsarang suka
asin, paminta
½ kilong kasim ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
1 kilong kamatis (hinog)
4 pirasong patatas, hiniwa ng pakuwadrado
2 pirasong sibuyas
1 ulo ng bawang
2 pirasong siling pula, hiniwa ng pahaba
2 pirasong siling berde, hiniwa ng pahaba
2 dahon ng laurel
3 kutsarang suka
asin, paminta
Iprito ang kasim at manok hanggang mamula ng bahagya. Ilagay sa isang tabi. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Durugin ng maigi ang kamatis. Ilagay ang kasim, laurel at suka. Pakuluin hanggang lumambot ang kasim, idagdag ang manok at patatas. Ihuling idagdag ang siling pula at berde. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
Filipino Recipe: Asado
1 kilong pork chop or spareribs
2 kutsarang toyo
½ tasang asukal na pula
1 kutsarang asin
1 kutsarang pamintang durog
1 tasang tubig
½ dahon ng laurel
5 ulo ng bawang, pinitpit
10 pirasong star anis
4-5 pirasong tuyong mushrooms (tengang daga)
1 kutsaritang vetsin
½ tasang pinalutong kasoy
2 kutsarang toyo
½ tasang asukal na pula
1 kutsarang asin
1 kutsarang pamintang durog
1 tasang tubig
½ dahon ng laurel
5 ulo ng bawang, pinitpit
10 pirasong star anis
4-5 pirasong tuyong mushrooms (tengang daga)
1 kutsaritang vetsin
½ tasang pinalutong kasoy
Sa isang kaserola, pagsamahin lahat ng sangkap, maliban sa kasoy, at pakuluan ditto ang karne. Dagdagan ng tubig kapag natuyuan ang karne upang ito’y hindi masunog. Pakuluan ito sa mahinang apoy hanggang lumapot ang sarsa. Ibudbod ang kasoy kapag ihahain na. Palamutian ng dahon ng sibuyas na hiniwa ng tig-2 pulgada.
Filipino Recipe: Bistek Na Karne (Beef Steak)Tenderloin o bahaging pinaka-malambot sa karneng baka ang piliin. Hiwainnang palapad at 1 pulgada ang kapal. Timplahan ng kaunting asin ang magkabilang panig at budburan ng durog na paminta. Paraanin ang kalahating oras o mahigit pa, bago isalang sa kawali.
Pahiran ng kaunting mantika ang kawali. At kung inaakalang mainit na mainit na ito ay ilagay na ang karne. Takpan. Makaraan ang ilang sandal, hanguin ang karne, pahiran muli ng mantika ang kawali at ibalik ang karne nang ang kabilang panig naman ang maprito. 15 hanggang 30 sandali ang gawing pagprtio sa karne.
Ihain ang bistik na ito nang may kasamang piniritong patatas, pinasingawan o binanliang abitsuwelas, sariwang pipino, kamatis o gisantes.
Sawsawan: Catsup, French Dressing
Filipino Recipe: Chicken A La King
1 manok
4 na tasang tubig
1 kutsaritang asin
2 kutsarang mantika
1 ulong bawang(binayo)
4 na kutsarang arina
1 sibuyas, hiniwa
1 siling pula, hiniwa
1 siling berde, hiniwa
1 lata ng ” cream of mushroom soup”
4 na tasang tubig
1 kutsaritang asin
2 kutsarang mantika
1 ulong bawang(binayo)
4 na kutsarang arina
1 sibuyas, hiniwa
1 siling pula, hiniwa
1 siling berde, hiniwa
1 lata ng ” cream of mushroom soup”
Ilaga ang manok na pira-piraso sa kaunting tubig na may asin hanggang lumambot. Tunawin sa kaunting tubig ang arina. Ihulog sa mainit na mantika hanggang lumapot. Idagdag ang sibuyas at sili at lutuing mga 5 minuto. Ihulog ang manok, kasama ang pinaglagaan. Idagdag ang “Cream of Mushroom Soup”.
Filipino Recipe: Chicken Barbecue
1 kilong manok, hiniwa sa 8 piraso
2 kutsaritang asin
½ tasang toyo
1 kutsarang luya, ginayat
2 ulo ng bawang, tinadtad
3 kutsarang asukal
¼ kutsaritang siling pula
½ kutsaritang pamintang durog
2 kutsarang katas ng lemon
1 ¼ tasang olive oil
2 kutsaritang asin
½ tasang toyo
1 kutsarang luya, ginayat
2 ulo ng bawang, tinadtad
3 kutsarang asukal
¼ kutsaritang siling pula
½ kutsaritang pamintang durog
2 kutsarang katas ng lemon
1 ¼ tasang olive oil
Hugasan at patuyuin ang manok. Budburan ng 1 kutsaritang asin. Ilagay sa isang malaking mangkok at ibuhos ang sangkap bukod sa olive oil. Ibabad ng magdamag sa refrigerator. Kinabukasan, ihawin ang manok. Siguraduhing luto ang loob at labas ng manok sa pamamagitan ng pagtusok dito ng minsan. Pahiran ng olive oil ang manok habang iniihaw.
Filipino Recipe: Crispy Pata
1 pata ng baboy
1 bote 7-up or sprite
1 ½ tasang tubig
1 kutsarang asin
½ kutsaritang baking soda
1 kutsaritang betsin
2 kutsarang patis
2 kutsarang arina
mantika
1 bote 7-up or sprite
1 ½ tasang tubig
1 kutsarang asin
½ kutsaritang baking soda
1 kutsaritang betsin
2 kutsarang patis
2 kutsarang arina
mantika
Hugasan maigi ang pata ng baboy at ilagay sa isang kalderong puno ng tubig. Takpan ito ng mahigpit. Lagyan ng tubig, 7-up at asin
Pakuluin ng 15 minuto. Dagdagan ng baking soda. Ang baking soda ay ang magpapalambot ng balat ng pata. Ipagpatuloy ang paglaga.
Kapag natutuyuan ang pata, dagdagan ito ng tubig. Mas mabuti kung hindi masyado lumambot ang pata. Hanguin at patuluin ng 1 araw or ilagay sa refrigerator magdamag upang matuyuan ang balat ng pata. Bago iprito, pahiran ng patis at wisikan ng arina ang pata. Iprito ng lubog sa mantika hanggang mamula ang pata. Patayin ang apoy at maingat na buhusan ng ¼ tasa ng tubig ang lutong pata. Sa ganitong paraan,mas magiging malutong ang balat ng pata,ihaing kasama ang sawsawan.
Pakuluin ng 15 minuto. Dagdagan ng baking soda. Ang baking soda ay ang magpapalambot ng balat ng pata. Ipagpatuloy ang paglaga.
Kapag natutuyuan ang pata, dagdagan ito ng tubig. Mas mabuti kung hindi masyado lumambot ang pata. Hanguin at patuluin ng 1 araw or ilagay sa refrigerator magdamag upang matuyuan ang balat ng pata. Bago iprito, pahiran ng patis at wisikan ng arina ang pata. Iprito ng lubog sa mantika hanggang mamula ang pata. Patayin ang apoy at maingat na buhusan ng ¼ tasa ng tubig ang lutong pata. Sa ganitong paraan,mas magiging malutong ang balat ng pata,ihaing kasama ang sawsawan.
Filipino Recipe: Dinuguan
2 kutsarang mantika
3 ulo ng bawang, pinitpit
1 sibuyas, hiniwa-hiwa
¼ tasang luya
1 ½ kilo ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
1 pirasong puso ng baboy. Pinakuluan at hiniwa
½ kilo tripe ng baka, niluto at hiniwa
¼ kilong atay ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
2 tasang sabaw ng baboy
1 ½ tasang dugo ng baboy
4 pirasong mahabang sili berde, asin
½ tasang sukang puti o paumbong
3 ulo ng bawang, pinitpit
1 sibuyas, hiniwa-hiwa
¼ tasang luya
1 ½ kilo ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
1 pirasong puso ng baboy. Pinakuluan at hiniwa
½ kilo tripe ng baka, niluto at hiniwa
¼ kilong atay ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
2 tasang sabaw ng baboy
1 ½ tasang dugo ng baboy
4 pirasong mahabang sili berde, asin
½ tasang sukang puti o paumbong
Sa isang malaking kawali,igisa ang bawang, sibuyas at luya sa mantika. Idagdag ang baboy, puso at tripe. Pakuluang maigi hanggang sa maluto. Kapag naluto na ang karne, ibuhos ang suka, sabaw ng baboy. Ihuli ang sili. Ibuhos ang dugo ng ng baboy at haluing mabuti. Pakuluan. Ihain ng may kasamang puto.
Mga Sangkap:
1 kilong karne
2 latang liver spread
1 latang gisantes (green peas)
4 na patatas
1 sibuyas
2 butil na bawang
2 kutsarang paminton
2 siling labuyo
pamintang durog, suka, asin
Hiwain nang maliliit ang karne. Igisa ang bawang at sibuyas, ihulog ang karne at sandaling pagulungin sa mantika. Timplahan ng suka, pamintang durog, asin, at kaunting tubig. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne. Pisain ang sili at isama. Ihalo ang liver spread at patatas na hiniwang patipak. Kapag luto na ang patatas ay ibuhos ang gisantes. Minsang pagkulo lamang at hanguin na.
Filipino Recipe: Kalderetang Manok
1 kilong manok, hiniwa ng katamtamang laki
1 lata ng liver spread
2 kutsarang bawang, pinitpit
1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 tasang corn oil
1 siling pula, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
2 chicken buillion cube na tinunaw sa 2 tasang mainit na tubig
½ tasang biskotso (bread crumbs)
Bahagyang prituhin ang manok. Igisa ang bawang at sibuyas. Ibuhos ang sabaw ng buillion. Hayaang kumulo hanggang lumambot ang manok. Idagdag ang liver spread at tomato sauce. Isunod ang siling pula. Kapag naluto na ang lahat ng sangkap,lagyan ng biskotso at timplahan ng naaayon sa panlasa.ihain habang mainit.1 lata ng liver spread
2 kutsarang bawang, pinitpit
1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 tasang corn oil
1 siling pula, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
2 chicken buillion cube na tinunaw sa 2 tasang mainit na tubig
½ tasang biskotso (bread crumbs)
Filipino Recipe: Kare-Kare
1 buntot ng baka (mga1 o ½ kilo), hiniwa ng tig-3 pulgada
5 kutsaritang mantika
5 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtamang laki ng sibuyas, hiniwa-hiwa
¼ tasang katas ng achuete
1 puso ng saging na saba, hiniwa ng pahaba
2 tali ng sitaw, hiniwa ng tig-2 pulgada
4 katamtamang laki ng talong, hiniwa ng tig-1/2 pulgada
½ tasang bigas, tinusta at dinikdik ng pino
½ tasang peanut butter, asin ,paminta, betsin
5 kutsaritang mantika
5 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtamang laki ng sibuyas, hiniwa-hiwa
¼ tasang katas ng achuete
1 puso ng saging na saba, hiniwa ng pahaba
2 tali ng sitaw, hiniwa ng tig-2 pulgada
4 katamtamang laki ng talong, hiniwa ng tig-1/2 pulgada
½ tasang bigas, tinusta at dinikdik ng pino
½ tasang peanut butter, asin ,paminta, betsin
Idagdag ang katas ng achuete. Igisa hanggang lumabas ang mantika ng buntot ng baka. Idagdag ang gulay at kaunting tubig upang magkasarsa. Idagdag ang pinulbos na bigas at peanut butter na tinunaw sa 3/4 tasang tubig. Timplahan ng asin,paminta at betsin.ihain ng may kasamang bagoong alamang.
Filipino Recipe: Kilawing Baboy at Atay
1 kilong atay ng baboy
2 tasang suka
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang pamintang durog
1 kutsaritang betsin
¼ tasang mantika
1 sibuyas, tinadtad
1 ulo ng bawang, pinitpit
prinitong bawang
Hiwain ang baboy at atay ng pahaba. Ilagay sa malaking baking dish. Idagdag ang suka, asin, paminta at betsin.ibabad ng 30 minuto. Patuluin ang baboy at atay at itabi ang pinagbabaran. Painitin ang mantika sa kawali. Idagdag ang baboy at atay ng salit-salit at igisa hanggang maluto. Ilagay sa isang tabi. Igisa ang sibuyas at bawang. Idagdag ang pinagbabaran at karne. Pakuluin, takpan at pakuluan ng 15-25 minuto o hanggang maluto. Palamutian ng prinitong bawang.
Filipino Recipe: Kosido
¼ kilong karneng baboy na may taba
¼ kilong karneng baka
2 tsoriso
½ tasa ng garbanzos
2 sibuyas
6 na petsay
6 na dahon ng repolyo
4 na saging na saba
2 patatas
Hiwain ang karneng baboy at baka at ilaga hanggang lumambot. Hiwain ng maninipis ang tsoriso, talupan ang patatas, at hiwain ang sibuyas. Hatiin sa 2 ang dahon ng petsay at saging; isunod ang karne at tsoriso. Timplahan ng paminta at toyo at pakuluin hanggang lumambot. Ilagay ang tubig na pinagbabaran ng atswete. Alisin sa lutuan kung malambot na ang karne.
Filipino Recipe: Lechon De leche
1 buong biik na baboy (mga 10-15 kilo)
1 tasang asin
5 sibuyas,hiniwa sa dalawa
½ kilong dahon ng pandan
3 lata ng gatas na evaporada
Ang pagluto ng lechon ay para lamang sa may tiyaga. Ito ay matagal gawin. Ngunit tiyak na masarap. Lechon pinakasikat na handa tuwing may pista kaya nga’t ito ang ating pambansang ulam. Unahin ang pag-iihawan na lechon. Sa isang bakanteng lote magtayo ng ihawan. Siguraduhing matibay ang ihawan, ang kawayan at tukuran nito sa gilid. Ang apoy ay dapat mga 1 feet ang layo sa lechon. Ilagay ang karamihan ng uling sa magkabilang gilid ng lechon. Mas mainam na ipalinis na ang biik sa palengke upang hindi kayo mahirapan mag-linis ng biik. Mas marunong ang matadero maglinis biik na para sa lechon. Kapag malinis na ang biik. Naalis na ang laman loob, ipasok sa loob Ang asin, sibuyas at pandan. Isunod na ibuhos ang gatas. Siguraduhing matatakipan ang pinagpasukan ng mga sangkap sa tiyan ng biik. Lamasin ng asin ang labas ng biik. Pahiran ang biik ng mantika. Kapag handa na ang uling at pagli-lechonan, ilagay na sa ibabaw ang biik. Paikot-ikot na ihawin ang lechon sa loob ng 2-4 oras. Ipagpatuloy ang pagpunas ng mantika sa lechon. Ito ay upang lumutong ang balat ng lechon. Pagkatapos ng 2-4 oras, maingat na saksakin ng ice pick ang lechon upang Malaman kung ito’y luto na. Kapag madali na saksakin ang lechon at pumula na ang balat nito, ito’y palatandaan na luto na hanggang sa loob na lechon. Tagain na matalas na bolo ang lechon upang hindi madurog ang balat nito. 1 tasang asin
5 sibuyas,hiniwa sa dalawa
½ kilong dahon ng pandan
3 lata ng gatas na evaporada
Filipino Recipe: Lumpiang Shanghai
1 tasang giniling na baboy
1 tasang hipon, binalatan at hiniwa ng manipis
½ tasang apulid (water chestnuts), tinadtad
2 dahon ng sibuyas, tinadtad
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang paminta
1 itlog
1 kutsarang toyo
1 pakete ng lumpia wrapper, mantika (pamprito)
Paghaluin ang baboy, hipon, apulid, dahon ng sibuyas, itlog at toyo. Timplahan ng asin at paminta. Maglagay ng 3 kutsarang ng pinaghalong sangkap sa lumpia wrapper at isarado sa pamamagitan ng paglagay ng kaunting tubig sa dulo ng lumpia wrapper. Prituhin at patuluin ang sobrang mantika. Ihain kasama ang sweet at sour sauce sa tabi. 1 tasang hipon, binalatan at hiniwa ng manipis
½ tasang apulid (water chestnuts), tinadtad
2 dahon ng sibuyas, tinadtad
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang paminta
1 itlog
1 kutsarang toyo
1 pakete ng lumpia wrapper, mantika (pamprito)
Filipino Recipe: Mechado
1 kilong karne
1 guhit na taba ng baboy
2 sibuyas
3 kamatis
1 latang maliit na tomatoe sauce
1 dahong laurel
4 na patatas
Hiwain ang karne nang may ½ pulgada ang kapal. Pahaba at makitid ang gawing hiwa sa taba ng baboy. Hiwaan ng 3 o 4 na maliliit ang gitna ng karne at isuot dito ang isang pirasong baboy. Ilagay sa kaserola ang karne na kasama ang dahon ng laurel, tinadtad na sibuyas at kamatis, kaunting toyo, tomatoe sauce, at kaunting tubig. Pakuluin hanggang sa lumambot ang karne. Ihulog ang patatas (pinag apat na hiwa ang bawat isa). Kapag luto na ang patatas, hanguin.
Filipino Recipe: Menudo Special
Mga Sangkap:
1/2 kilong baboy
1/4 kilong atay
2/3 puswelong garbanso
2 sibuyas
2 patatas (karaniwang laki)
2 kamatis
1 siling pula (malaki)
2 butil na bawang
Toyo , atsuwete , asin
Kalahating pulgadang pakuwadrado ang gawing hiwa sa baboy at atay, gayon din sa patatas. Pino ang hiwa sa sibuyas at kamatis. Pahaba at manipis nang bahagya ang hiwa sa sili. Igisa ang bawang, sibuyas, at kamatis. Isunod ang baboy at makaraan ang ilang sandaling pagkulo sa mantika ay timplahan ng kaunting toyo. Takpan at hayaang kumulo nang ilang sandali bago sabawan ng isang puswelong tubig at saka palambutin. Isama sa pagpapalambot ang sili upang lumasang mabuti sa salsa. Papulahin sa pamamagitan ng katas ng atsuwete. Kapag malapit nang lumambot ang baboy, ihulog ang patatas at garbansos. Ang garbansos ay dapat munang ilaga at alisan ng balat. Sa huli ang paghuhulog ng atay at hustuhin na ang timpla nang naaayon sa panlasa. Ilang sandaling pagkulo lamang ay hanguin na upang hindi tumigas ang atay.
Filipino Recipe: Nilagang Baka
1 tasang karne ng baka, kudra-kudraduhin
6 na tasang tubig
1 sibuyas, tadtarin
1 tasang repolyo, gayatin
1 tasang karot, hiwain ng pahaba at makikitid
1 tasang celery, hiwain
1 latang tomato sauce (8 onsa)
3 tangkay na kintsay hiwain ng pino
½ kutsaritang asin
1 dahong laurel, durugin
ilang butil na pamintang buo
1 ½ kutsaritang paminta (pulbos)
2 kutsarang mantika
Papulahin ang kudra-kudradong baka sa pinainit na langis. Isalin ang butig sa baka. Ipagpatuloy ang pagluluto sa katamtamang init. Kung malambot na ang baka, ihalo ang karot, celery, repolyo at kintsay. Timplahan ng asin, dahong laurel, pamintang buo at pulbos na paminta. Hanguin kung luto na (huwag lalabugin) ang mga gulay.6 na tasang tubig
1 sibuyas, tadtarin
1 tasang repolyo, gayatin
1 tasang karot, hiwain ng pahaba at makikitid
1 tasang celery, hiwain
1 latang tomato sauce (8 onsa)
3 tangkay na kintsay hiwain ng pino
½ kutsaritang asin
1 dahong laurel, durugin
ilang butil na pamintang buo
1 ½ kutsaritang paminta (pulbos)
2 kutsarang mantika
Filipino Recipe: Paella
1 malaking manok, hiniwa ng katamtamang laki
1 tasang olive oil
¼ kilong chorizo de bilbao, hiniwa-hiwa
1 ulo ng bawang, pinitpit
2 malaking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
1 maliit na lata ng tomato paste
1 kutsaritang paprika
3 tasang bigas
2 malaking alimasag, pinakuluan at hiniwa sa apat na bahagi
6 sugpo, pinakuluan
25 pirasong tahong, pinakuluan sa 7 tasang tubig
7 tasang tubig (pinagpakuluan ng tahong)
1 latang gisantas, sinala ang tubig
2 pirasong siling pula at berde hiniwa sa 8 bahagi
asin
paminta
Prituhin ang manok at ilagay sa isang tabi. Igisa ang bawang sa natirang mantika. Idagdag ang sibuyas, chorizo de bilbao at manok. Ilagay ang tomato sauce, tomato paste, paprika siling pula at berde. At ang pinagpakuluan ng tahong. Idagdag ang bigas na parang sinaing. Hintaying maluto ang bigas at matuyuan ng bahagya. Ilagay ang sugpo, alimasag, tahong, at gisantes. Takpan at hintaying maluto sa mahinang apoy. Timplahan ng asin, paminta at betsin. Ihain habang mainit.1 tasang olive oil
¼ kilong chorizo de bilbao, hiniwa-hiwa
1 ulo ng bawang, pinitpit
2 malaking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
1 maliit na lata ng tomato paste
1 kutsaritang paprika
3 tasang bigas
2 malaking alimasag, pinakuluan at hiniwa sa apat na bahagi
6 sugpo, pinakuluan
25 pirasong tahong, pinakuluan sa 7 tasang tubig
7 tasang tubig (pinagpakuluan ng tahong)
1 latang gisantas, sinala ang tubig
2 pirasong siling pula at berde hiniwa sa 8 bahagi
asin
paminta
Filipino Recipe: Paksiw Na Lechon
1 kilong lechon na baboy
1 latang liver spread
1 tasang suka
½ tasang asukal na pula
1 kutsarang asin
1 kutsarang pamintang buo
4 na ulo ng bawang, pinitpit
1 kutsaritang betsin
½ tasang tuyo oregano
1 tasang tubig
Ilagay sa kawali kasama ang lahat ng sangkap ang hiniwang lechon. Pakuluan. Hinaan ang apoy hanggang lumambot at lumapot ang sarsa.1 latang liver spread
1 tasang suka
½ tasang asukal na pula
1 kutsarang asin
1 kutsarang pamintang buo
4 na ulo ng bawang, pinitpit
1 kutsaritang betsin
½ tasang tuyo oregano
1 tasang tubig
Filipino Recipe: Paksiw Na Pata
1 pata o paa ng baboy
1 puswelong bulaklak ng saging
¾ puswelong oregano
1 ½ kutsarang pamintang buo
Toyo, suka, asin, asukal
Palambutin sa kaunting tubig ang pata ng baboy (pinira-piraso). Kapag malambot na nang bahagya, isama ang bulaklak ng saging, oregano, at pamintang buo. Timplahan ng suka, toyo, asin at asukal nang naaayon sa panlasa. Pakuluin pa hanggang sa lumabot na mabuti ang baboy.
Filipino Recipe: Pork Barbecue
½ kilong baboy, hiniwa ng pababa
¼ tasang toyo
5 ulo ng bawang
2 kutsarang sukang puti
2 kutsarang asukal na pula
¼ tasang tomato catsup
¼ tasang toyo
5 ulo ng bawang
2 kutsarang sukang puti
2 kutsarang asukal na pula
¼ tasang tomato catsup
Ibabad ang baboy sa toyo,bawang, suka at asukal. Ilagay sa isang tabi nang magdamag. Painitin ang ihawan. Tusukin ng barbecue stick ang baboy. Ihawin ang baboy. Pahiran ito ng pinagbabaran ng baboy na nilagyan ng catsup. Ihain habang mainit. Ang barbecue ay maaaring ulamin sa kanin o papakin. Maari ding gamitin ang molasses kaysa sa asukal upang magkaroon ng ibang lasa ang barbecue.
Filipino Recipe: Puchero1 kilong baka, hiniwa ng tig-2 pulgada pakuwadrado
1 tasang chorizo de bilbao, prinito at hiniwa ng manipis
4 tangkay dahon ng sibuyas, hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba
1 tangkay ng celery,hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba
2 kutsaritang asin
1 maliit na repolyo, hiniwa sa 8 piraso
2 katamtaman laking patatas, binalatan at hiniwa ng pakuwadrado
1 tasang baguio beans
1 tasang garbanzos
2 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad
½ tasang tomato sauce
2 kutsaritang mantika
Pakuluan ang baka sa isang kaserola na may sapat na dami ng tubig sa loob ng 2 oras o hanggang ito’y lumapot. Hanguin ang karne. Ipagpatuloy ang pagpakulo ng sabaw ng baka. Ilagay ditto ang patatas. Pakuluan muli ng 2-3 minuto. Idagdag ang baguio beans at repolyo. Maghintay ng 5 minuto. Sa isang maliit na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas. Ihalo ang baka at tomato sauce. Pakuluan muli ng 5 minuto. Ibuhos ang sabaw.idagdag ang garbanzos. Pakuluan ng 5 minuto muli. Hanguin ang baka at ilagay sa isang malaking mangkok. Iayos ang gulay sa mangkok. Palamutian ng chorizo sa ibabaw. Ibuhos ang nilutong sabaw. Ihain habang mainit. Mas masarap ang puchero kapag may kasamang ensaladang talong sa tabi nito. 1 tasang chorizo de bilbao, prinito at hiniwa ng manipis
4 tangkay dahon ng sibuyas, hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba
1 tangkay ng celery,hiniwa ng tig-4 pulgada pahaba
2 kutsaritang asin
1 maliit na repolyo, hiniwa sa 8 piraso
2 katamtaman laking patatas, binalatan at hiniwa ng pakuwadrado
1 tasang baguio beans
1 tasang garbanzos
2 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad
½ tasang tomato sauce
2 kutsaritang mantika
Filipino Recipe: Relyenong Baboy
1 ½ kilong giniling na baboy
7 itlog ng manok, babatihin
17 botelyang acetones gagayatin ng pino
3 kahong pasas na maliliit
5 kalamansi, katamtaman
3 kutsarang toyo
1 ¼ kilong keso, gagayatin
1 kutsarang pamintang durog
6 longganisang macao, pipirituhin at pag naluto ay gagayatin ng
katamtamang laki
Paghaluing lahat, at kung timplado na, ilagay na sa mga liyanera. Ilagay sa kawali, lagyan ng tubig ang kawali. Pag-inaakalang luto na, lagyan ng takip na lata ang ibabaw ng liyanera. Lagyan ng baga hanggang sa mainin. Kuing inaakalang luto na, isalin sa bandehado at kanin na kaagad. 7 itlog ng manok, babatihin
17 botelyang acetones gagayatin ng pino
3 kahong pasas na maliliit
5 kalamansi, katamtaman
3 kutsarang toyo
1 ¼ kilong keso, gagayatin
1 kutsarang pamintang durog
6 longganisang macao, pipirituhin at pag naluto ay gagayatin ng
katamtamang laki
Filipino Recipe: Relyenong Manok
MGA SANGKAP;
1 malaking manok (1 ½ -2 kilo), inalisan buto
½ tasa katas ng kalamansi (pambabad ng manok)
½ tasa katas ng kalamansi (pambabad ng manok)
PALAMAN;
½ kilo giniling na laman ng baboy
1 piraso chorizo de bilbao, tinadtad
4 piraso Vienna sausage, hinating pakuwadrado
6 nilagang itlog, dinurog
1 tasa chicken breading
1 kutsara keso, ginayat
½ tasa pickle relish
1 kutsaritang dinurog na paminta, asin
1 piraso chorizo de bilbao, tinadtad
4 piraso Vienna sausage, hinating pakuwadrado
6 nilagang itlog, dinurog
1 tasa chicken breading
1 kutsara keso, ginayat
½ tasa pickle relish
1 kutsaritang dinurog na paminta, asin
SABAW;
1 ulo ng bawang, dinurog
2 pirasong sibuyas, hiniwa ng manipis
8 tasa ng tubig
buto ng manok
2 pirasong sibuyas, hiniwa ng manipis
8 tasa ng tubig
buto ng manok
SARSA;
1 tasa ng margarina
2 kutsaritang arina
atay ng manok
1 ½ tasa sabaw ng manok
asin, paminta
2 kutsaritang arina
atay ng manok
1 ½ tasa sabaw ng manok
asin, paminta
PARAAN;
Ibabad ang manok sa katas ng kalamansi at kaunting asin. Ilagay sa isang tabi sa loob ng isang oras. Igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay ang mga buto ng manok at 8 tasa ng tubig. Pakukuin. Samantala,ibalot ang atay ng manok sa foil at ilagay sa kumukulong sabaw ng mga 20 minuto. Hanguin at durugin sa isang mangkok. Ilagay sa isang tabi. Sa isang malaking mangkok ,pagsama-samahin ang lahat ng sangkap na pang palaman Haluing mabuti. Maingat na ipalaman ito sa manok at tahiin. Ibalot ang manok sa aluminum foil. Maingat na ilagay sa kumukulong sabaw at lutuin sa loob ng isang oras. Hanguin ang manok sa ibabaw pagkaraan ng isang oras, ilagay sa isang tabi at hayaang lumamig bago hiwain. Gumawa ng sarsa para sa relyeno. Sa isang saucepan, tunawin ang margarina apoy. Ilagay ang arina at halu-haluin. Lagyan ng kaunting sabaw at dinurog na atay ng manok. Haluin hanggang lumapot. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa. Maaaring ibuhos ito sa ibabaw ng manok o ilagay sa isang maliit na mangkok sa tabi na manok.
1 kilong pisngi ng baboy
2 tasang tubig
1 tasang pineapple juice
1 kutsaritang pamintang buo
6 pirasong atay ng manok
1 tasang sibuyas, hiniwa-hiwa
½ tasang sukang paombong
¼ tasang calamansi juice
5-6 siling labuyo (seeded and chopped)
asin, paminta
Pakuluan ang pisngi ng baboy sa pineapple juice, tubig at pamintang buo hanggang sa ito’y lumambot. Hanguin at ilagay sa isang tabi upang lumamig. Alisin ang laman ng baboy mula sa pisngi. Tuhugin sa barbecue stick ang pisngi at atay ng manok. Ihawin sa ibabaw ng uling hanggang sa lumutong ang balat nito. Hiwa-hiwain ang inihaw na pisngi at atay at ilagay sa isang mangkok. Ilagay ang sibuyas at timplahan ng suka, calamansi juice, siling labuyo, asin at paminta.
Filipino Recipe: Sitsarong Baboy
Pakuluan sa tubig na may kaunting asin ang balat ng baboy. Kapag malambot na ay hanguin. At hayaang nakabitin (kung mahahabang piraso o nasa salaan ang baboy) nang anim na oras o mahigit pa upang tumulong mabuti ang tubig. Pagkatapos ay ihulog sa kumukulong mantika (nakalutang) at hayaan doon hanggang sa lumukong o bumaluktot ang sitsaron, (huwag hintaying pumula ang sitsaron). Hanguin ang sitsaron at palamigin. Palamigin din ang mantika at ilagay sa palayok o kaldero. Kapag kapwa malamig na ang mantika at sitsaron, muling ihulog sa mantika ang sitsaron at hayaang nakababad doon nang isang linngo. Pagkatapos, hanguin uli ang sitsaron at pakuluin ang mantika. Ito ang huling paghuhulog sa sitsaron at hayaang pumula na sa mantika. Ang balat ay di magiging malutong kung di ito napalambot sa paglalaga sa tubig.
Ang mga bahagi ng baboy na mainam na gawing sitsaron, bukod sa balat, ay ang liyempo at mga bituka’t bahay- guya.
Tagalog Recipe: SpareRibs Barbecue
½ kilo tadyang ng baboy
1 ½ tasa tomato o banana ketsup
1 kutsarita luya, dinikdik
2 kutsarita toyo
1 kutsarita paminta, durog
2 kutsara asukal
asin at chili sauce
Pagsamahin lahat ng sangkap at ibabad ng magdamag sa ref.
Painitin ang oven sa 400F at iluto ang spare ribs.
Pahiran ng pinagbabaran para hindi matuyo ang spare ribs.
Ang timpla ay asin, asukal, at salitre. Kung nais magkakulay ay samahan ng kaunting paminton. Manipis ang hiwa ng karneng baboy. Hindi na kailangang ibilad ito. Paminsan-minsan lamang ay iyayang-yang upang hindi uurin.
Filipino Recipe: Pikadilyo
½ kilong giniling na baka
1 sibuyas
2 butil na bawang
3 kamatis
1/3 kilong patatas
6 na tasang tubig
patis at paminta
Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.kung malapit ng maluto, ihalo ang giniling na baka. Takpan at lutuin sa katamtamang init.kung malapit ng maluto saka isalin sa kaldero. Timplahan ng patis at lagyan ng tubig. Pagkulo saka ihalo ang patatas at ipagpatuloy na ang pagpapalambot. Ihaing mainit. Maaaring halinhan ng upo, sayote, pipino o karot ang patatas. 1 sibuyas
2 butil na bawang
3 kamatis
1/3 kilong patatas
6 na tasang tubig
patis at paminta
Filipino Recipe: Sinigang na Karne
1 librang karneng may buto, magaling ang dulo ng pitso na may sebo
10 labanos, maaaring isama ang mga dahon
3 kamatis na hinog
3 hilaw na bunga ng sampalok
5 talong
sitaw
Ilalaga ang karne sa apat na basong tubig na kasama ang kamatis at bunga ng sampalok. Paglambot ng karne ay ilalagay ang iba pang kalahok at titimplahan ng asin, at pabayaan ng ilang minuto sa apoy. 10 labanos, maaaring isama ang mga dahon
3 kamatis na hinog
3 hilaw na bunga ng sampalok
5 talong
sitaw
Filipino Recipe: Sinigang na Manok
2 kutsarang margarina o mantikilya
5 butil na bawang
1 sibuyas, tadtarin
1 manok, tilarin
½ dahong laurel
1 ½ tasang tubig
6-8 maliliit na patatas, talupan
1 karot, talupan at hiwain
1/3 kilong atay ng manok
½ tasang frozen peas
½ tasang cheez whiz
arina, asin, paminta, betsin
Tunawin ang mantikilya. Iprito ang bawang, sibuyas, manok at dahong laurel. Isalin ang tubig. Takpan. Ipagpatuloy ang pagluluto ng 15 minuto o hanggang lumambot ang manok. Isama ang iba pang mga sangkap. Ipagpatuloy ang paluluto sa katamtamang init sa loob ng 10 minuto o hanggang maluto ang mga gulay.5 butil na bawang
1 sibuyas, tadtarin
1 manok, tilarin
½ dahong laurel
1 ½ tasang tubig
6-8 maliliit na patatas, talupan
1 karot, talupan at hiwain
1/3 kilong atay ng manok
½ tasang frozen peas
½ tasang cheez whiz
arina, asin, paminta, betsin
Filipino Recipe: Longganisa
Mga Sangkap:
Giniling na karneng Baboy
Dinikdik na bawangToyo,
asin, asukal,suka
Pimiento (hiniwa ng maliliit)
Paminton (siyang magbibigay-kulay)
Ang lamad na gingawang balutan ng longganisa ay kailangang linising mabuti at ibilad sa araw upang maging manipis at malinaw.
Filipino Recipe: Adobong Manok
½ manok
½ basong suka
½ librang karne
10 butil na bawang
½ kutsarang tinunaw na atswete, at kaunting rekado
1 dahon ng tuyo’t na laurel
½ basong suka
½ librang karne
10 butil na bawang
½ kutsarang tinunaw na atswete, at kaunting rekado
1 dahon ng tuyo’t na laurel
Sa isang basong tubig ay lulutuing lahat ang magkakahalong ito at pabayaang mapiga ang tubig sa pagkasigang hanggang walang matira kundi malapot na salsa ng mantika.
Filipino Recipe: Chicken Curry
1 katamtamang laking manok, ilaga at himayin
1 sibuyas, hiwain
1 ulong bawang, dinikdik
1 latang gisantes
2 kutsaritang mantikilya
1 niyog, kayurin
asin at paminta
1 pirasong luya
1 kutsaritang curry powder
1 sibuyas, hiwain
1 ulong bawang, dinikdik
1 latang gisantes
2 kutsaritang mantikilya
1 niyog, kayurin
asin at paminta
1 pirasong luya
1 kutsaritang curry powder
Pigain ang niyog ng makakuha ng isang tasang gata. Itabi sandali. Samantala, tunawin sa kawali ang mantikilya. Papulahin ang bawang at ihalo ang sibuyas. Isama rin ang katas ng luya at ang hinimay na nilagang manok. Budburan ng curry powder at ipagpatuloy ang pagluluto sa katamtamang init. Timplahan ng asin at paminta upang magkalasa. Lutuin ng mga limang minuto pa. ihalo ang gata ng niyog. Hanguin sa apoy. Isama ang gisantes at ihaing kasabay ng mainit na kanin.
Filipino Recipe: Galantina1 manok (1.5 kg.)
1 kutsaritang katas ng kalamansi
1 kutsaritang asin
2 tasang giniling na baboy
laman ng manok, tinadtad
1 latang Swift’s Vienna sausage, tinadtad
1 tasang Swift’s cooked ham, tinadtad
3 pirasong Swift’s oriental sausage, tinadtad
1 tasang sibuyas, tinadtad
1 latang Swift’s liver spread
¼ na tasang ketsup
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang betsin
1 kutsaritang asukal
4 na pula ng itlog
½ tasang pasas
Alisin ang buto ng manoksa pamamagitan ng paghihiwa sa likod ng manok, mula sa leeg, pababa,mag-iwan ng manipis na layer sa balat. Huwag tatanggalin ang pakpak. Tahiin ang lahat ng mga butas nap arte maliban sa bukas na likod.1 kutsaritang katas ng kalamansi
1 kutsaritang asin
2 tasang giniling na baboy
laman ng manok, tinadtad
1 latang Swift’s Vienna sausage, tinadtad
1 tasang Swift’s cooked ham, tinadtad
3 pirasong Swift’s oriental sausage, tinadtad
1 tasang sibuyas, tinadtad
1 latang Swift’s liver spread
¼ na tasang ketsup
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang betsin
1 kutsaritang asukal
4 na pula ng itlog
½ tasang pasas
Kuskusin ng katas ng kalamansi at asin ang manok na inalisan ng buto.itabi sandali. Ihanda ang panlaman sa pamamagitan ng paghahalo ng laman ng manok, Vienna sausage,nilutong hamon, oriental sausage at sibuyas. Haluing mabuti at gilingin. Ihalo ang liver spread, ketsup, asin, betsin, asukal, mga pula ng itlog at pasas. Haluing mabuti. Ipanlaman ito sa manok. Punuing mabuti. Tahiin ang bukas na parte. Balutin ang may lamang manok sa isang basing katsa. Taliang mabuti ng pise. Ilagay ang manok sa isang malaking lutuang may lamang dalawang tasang tubig.takpang mabuti, ilaga ng mga isang oras. Tanggalin ang ballot at ilipat ang manok sa mababaw na baking pan. Hayaan sa broiler ng mga 25-30 minuto. Hayaang lumamig saka ipasok sa reprihiradora samantalang nakabalot sa aluminum foil. Hiwa-hiwain ng manipis.ihaing may kasamang sarsa.
Filipino Recipe: Kare-Kareng Pata ng Baka
1 pata ng baka
3 puso ng saging na saba
1 talong
½ kutsarang maliit na atsuwete o paminton
1 kutsarang mantika
1 kutsarang mani
3 butil na bawang
3 puso ng saging na saba
1 talong
½ kutsarang maliit na atsuwete o paminton
1 kutsarang mantika
1 kutsarang mani
3 butil na bawang
Ilalaga sa limang basong tubig ang pata ng baka at kung malambot na ay aalisan ng buto at pagpuputul-putulin ng parisukat. Pababanguhin ang tatlong butil na bawang sa mantika at saka gigisahin ang lahat ng kalahok, maliban sa mani, at pababayaan sa apoy ng mga limang minuto. Pagkaraan ng limang minuto, ay ilalagay o ibubuhos sa niluluto ang sabaw na pinaglagaan ng pata, saka isusunod ang dinurog na mani upang lumapot ang sabaw. Ang lutong ito ay ihahain na may kasamang bagoong na hipong maliliit o alamang.
Filipino Recipe: Menudong Pata
½ kilong pata
2 sausage, hiwain
1 hiwang hamon, kudra-kudraduhin
2 kutsarang mantika
2 kutsarang paminton
2 tasang sabaw
½ tasang kamatis
1 sibuyas, tadtarin
2 berdeng sili
1 dahong laurel
3 butil na bawang
2 kamatis
2 tasang garbanzos
asin, paminta
Linisin at ilaga ang pata sa tubig na may asin. Kung malambot na, ihiwalay sa mga buto ang laman. Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at sausage sa mainit na mantika. Ihalo ang paminton, berdeng sili, dahong laurel at pata. Isalin ang laman at garbanzos. Ipagpatuloy hanggang lumapot ang sarsa ayon sa ibig na lapot. Timplahan ng asin at paminta.2 sausage, hiwain
1 hiwang hamon, kudra-kudraduhin
2 kutsarang mantika
2 kutsarang paminton
2 tasang sabaw
½ tasang kamatis
1 sibuyas, tadtarin
2 berdeng sili
1 dahong laurel
3 butil na bawang
2 kamatis
2 tasang garbanzos
asin, paminta
Filipino Recipe: Estopado
1 kilong karneng may taba
2 basong tubig
1 basong sukang maasim
1 tasang malaki na asukal
1 sibuyas
3 ulong bawang
2 saging na saba
1 kupitang hinyebra
2 basong tubig
1 basong sukang maasim
1 tasang malaki na asukal
1 sibuyas
3 ulong bawang
2 saging na saba
1 kupitang hinyebra
Pipirituhin ang karne. Ang mga natirang karneng prito ay maaaring gamitin sa lutong ito.ang asukal na may kaunting suka ay susunugin sa isang kaserola at kapag nangangamoy na ang sunog na asukal, ang natitira pang suka at tubig ay ilalahok,babatihing mabuti at ito ang gagamiting pinakasabaw. Maghahanda ng isang palayok at ang puwit sa loob ay lalagyan ng asad, upang huwag mangapit sa puwit ang niluluto. Sa palayok na ito’y sabay- sabay na ilalagay ang lahat na magkakahalo, gayon din ang pinakasabaw na may sinunog na asukal at saka tatakpang mabuti ng nilaib na dahong saging upang huwag makasingaw. Pagkakulo ay babawasan ang gatong at pababayaan sa atay-atay na apoy hanggang sa lumambot ang karne.
Filipino Recipe: Kalderetang Kambing
Ingredients:1 kilong karne ng kambing
2 sibuyas
3 kamatis
1/2 kilong patatas
2 Bell Pepper (malaki
1 latang gisantes
5 pirasong siling labuyo
2 kutsarang paminton
2 butil na bawang
1/4 kilong atay o 2 latang liver spread
1 itlog na nilaga
Suka, pamintang durog, asin
Hiwain ang karne nang katamtamang laki. Igisa ang bawang, sibuyas, at karne. Timplahan ng suka, paminta, asin at siling labuyo. Pakuluan hanggang sa lumambot ang karne. Tunawin sa sabaw ang paminton at ihulog ang patatas at bell pepper na hiniwang pakuwadrado. Palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng atay na inihaw muna bago dinikdik at kinatas, Kung wala naman nito pwede na rin gamitin ang liver spread. Kapag malapit nang hanguin ay saka isama ang gisantes. Ipalamuti sa ibabaw ang hiniwa hiwang itlog na nilaga kapag nakalagay na ang kaldereta sa bandeha.
Filipino Recipe: Bicol Express
1/4 kilo pork, thinly sliced1 cup Baguio beans
3 cups long chili or jalapeno peppers
1 onion, minced
1 head of garlic, minced
1 cup coconut milk
1 cup coconut cream
2 tablespoons of cooking oil
Cooking procedure
1) In a bowl of water with salt, soak chili peppers for 30 minutes then rinse and strain.
2) In a cooking pan, heat cooking oil and brown sliced pork for a few minutes.
3) In another pan, sauté minced garlic and onion.
4) Add to the sauté the browned pork.
5) Then add the coconut milk, bring to a boil and simmer for 10 minutes.
6) Add the chili peppers, Baguio beans and cook until dish gets a little dry.
7) Add the coconut cream and simmer until the sauce thickens.
No comments:
Post a Comment